AyalaLand Logistics bumili ng lupa at pasilidad sa Batangas

Ang pasilidad ng AyalaLand Logistics Holdings Corp sa Sto.Tomas City, Batangas
Ang pasilidad ng AyalaLand Logistics Holdings Corp sa Sto.Tomas City, Batangas (Ayala Land)

Batangas — Ang AyalaLand Logistics Holdings Corp. (ALLHC) ay nakabili ng lupa at isang ready-built logistics facility sa lungsod ng Sto Tomas sa halagang P1.2 billion.

Ang naturang transaksyon ay naglalagay sa ALLHC bilang nangungunang real estate logistics at industrial parks developer at operator sa Pilipinas.

Ang ready-built facility, na may kabuuang area na 64,000 square meters (sqm.) ay matatagpuan Light Industry & Science Park (LISP) III in Sto. Tomas, Batangas.


Ang LISP III ay accessible mula Manila via South Luzon Expressway (SLEx), at Southern Tagalog Arterial Road (STAR Tollway) mula naman sa Batangas City. Ito ay accredited din sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Ang ready-built facility ay kasalukuyan ding inuukupahan ng manufacturing at logistics industries. Ito ang kauna-unahang industrial property ng ALLHC Group sa Batangas at tatawaging ALogis Sto. Tomas.
Balak din ng ALLHC na palakihin pa ang kanilang warehouse hanggang 500,000 sqm na itatayo sa 10 lugar sa bansa.