Mag-asawa patay sa manugang na Barangay Kagawad sa Cavite

Mag-asawa patay sa Cavite matapos pagbabarilin ng manugang na Barangay kagawad
Mag-asawa patay sa Cavite matapos pagbabarilin ng manugang na Barangay kagawad

Ylou Dagos

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang barangay kagawad ang kanyang biyanang lalaki at babae sa Brgy. Castaños Cerca, Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Nelie Garcia Pareja, 57; at Rogelio Borlagdan, 44, kapwa residente ng Brgy. Castaños Cerca ng nasabing bayan.

Base sa report ng police, dakong alas -11:20 ng gabi ng magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at kanilang manugang na si Arnel Notario, 37, residente at kagawad ng Brgy. Batas Dao.

Nagalit si Notario matapos na abusuhin umano ng biyanang lalaki ang kanyang 8 taong gulang na anak.

Itinanggi naman ito ng biyanang lalaki at kumampi pa ang biyanang babae sa mister.

Sa bugso ng galit, biglang binunot ng suspek ang dalang kalibre .45 baril at pinagbabaril ang mag-asawa

Dead on the spot ang mga biktima samantalang naaresto naman ang suspek na nahaharap sa kasong 2 counts of murder at paglabag sa election gun ban.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s