Metro Pacific Tollway Corp. nag donate ng 7,000 Covid-19 vaccines

Metro Pacific Tollways
Metro Pacific Tollways (MPTC website)

Roselle Aquino
Nag donate ng mahigit 7,000 vaccines para sa Covid-19 ang METRO Pacific Tollways Corp. para sa limang local government unit (LGU) sa Region 4-A (Calabarzon). Kabilang dito ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

“The vaccine donation to the Cavite-Laguna Expressway and the Manila-Cavite Toll Expressway communities, through their LGUs (local government units), is our gesture of support in aid of the national government’s recovery plan toward attaining herd immunity against Covid-19 here in Region 4-A,” ani Arlette Capistrano, MPT South spokesman at assistant vice president for communication.

Mula pa noong umpisa ng 2022, ang naturang toll road company ay nakapag donate na ng 140 vials na binili ng kumpanya sa Moderna vaccines para ibigay naman sa local governments ng Parañaque sa Metro Manila, General Trias, Bacoor at Silang sa Cavite; at Biñan sa Laguna.


Ang MPT South ay nakapagbakuna na ng 99% sa kanilang mga empleyado.