Limited face-to-face classes kasado na sa Rizal

Handa na ang Kalinawan Elementary School sa Binangonan, Rizal para sa pagbubukas ng klase alinsunod sa Expanded Phase ng face-to-face classes.  (photo from DepEd Tayo Rizal Province)
Handa na ang Kalinawan Elementary School sa Binangonan, Rizal para sa pagbubukas ng klase alinsunod sa Expanded Phase ng face-to-face classes. (photo from DepEd Tayo Rizal Province)

BINANGONAN – Kasado na ang Department of Education (DepEd) sa lalawigan ng Rizal para sa muling pagbubukas ng ilang mga paaralan sa lalawigan para sa limited face-to-face classes.

Ayon sa DepEd-Rizal, anim na paaralan na sakop ng Binangonan Sub-Office ang bubuksan para sa expanded limited face-to-face classes.

Aprubado na rin ang muling pagbubukas para sa limited face-to-face classes ang pitong eskwelahan sa mga bayan ng Cainta, Baras, at Tanay.

Kabilang rin ang mga Sub-Office ng Cardona, Jalajala, Rodriguez at Morong kung saan isang eskwelahan bawat bayan ang muling magpapatupad ng in-person classes.

Samantala, tanging ang Macabud National High School sa bayan ng Rodriguez ang naaprubahan na mapabilang sa opisyal na listahan ng mga eskwelahan na papayagan magsagawa ng limited face-to-face classes.

Nagsagawa na rin ng simulation activity ang Alas-Asin Elementary School at Eusebio C. Ocampo Memorial School upang masiguro ang maayos na implementasyon ng limited face-to-face classes sa lalawigan. (PIA)