
BINANGONAN – Kasado na ang Department of Education (DepEd) sa lalawigan ng Rizal para sa muling pagbubukas ng ilang mga paaralan sa lalawigan para sa limited face-to-face classes.
Ayon sa DepEd-Rizal, anim na paaralan na sakop ng Binangonan Sub-Office ang bubuksan para sa expanded limited face-to-face classes.
Aprubado na rin ang muling pagbubukas para sa limited face-to-face classes ang pitong eskwelahan sa mga bayan ng Cainta, Baras, at Tanay.
Kabilang rin ang mga Sub-Office ng Cardona, Jalajala, Rodriguez at Morong kung saan isang eskwelahan bawat bayan ang muling magpapatupad ng in-person classes.
Samantala, tanging ang Macabud National High School sa bayan ng Rodriguez ang naaprubahan na mapabilang sa opisyal na listahan ng mga eskwelahan na papayagan magsagawa ng limited face-to-face classes.
Nagsagawa na rin ng simulation activity ang Alas-Asin Elementary School at Eusebio C. Ocampo Memorial School upang masiguro ang maayos na implementasyon ng limited face-to-face classes sa lalawigan. (PIA)