SAFE sa Mayo-a-nueve; Covenant signing isinagawa sa Batangas City

Ang mga kandidato ng Batangas City na nakiisa sa Unity Walk para sa mapayapang halalan. (Photo from Palakat Batangas City)
Ang mga kandidato ng Batangas City na nakiisa sa Unity Walk para sa mapayapang halalan. (Photo from Palakat Batangas City)

Jaimee Mauricio

Isang SAFE o Secure Accurate Fair Election ang hangad ng Commission on Elections, DILG at Batangas City sa ginanap na Unity Walk at Peace Covenant Signing para sa halalan kasabay ng selebrasyon sa araw ng mga puso.

Nanguna dito ang mga kinatawan ng Batangas City Police Station (BCPS), Department of Interior and Local Government (DILG) at ng COMELEC Batangas City.

Pinakamahalaga sa okasyon ang pagpirma ng mga kandidato sa Pledge of Commitment.

Sa hiwalay na pananalita ni City Election Officer Atty. Jonathan Carungcong, inaasahan nito ang pakikiisa ng mga kandidato sa pagkakaroon ng isang patas, malinis at matagumpay na eleksiyon.

Sa panig naman ng mga kakandidato, tiniyak ni 5th District Cong Marvey Marino ang kanilang suporta sa adhikain ng COMELEC.

Ayon naman kay PLTCOL Salvador Solana, Batangas City chief of police, handa na sila sa halalan, katunayan ay magtatalaga sila ng mga tauhan upang mabantayan ang mga PCOS machine sa lunsod.

Naroon din sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Bureau of Jail and Management Penology (BJMP), Bureau of Fire and Protection (BFP), Philippine Coast Guard at Philippine Army.