UNITY WALK AT PEACE COVENANT SIGNING NG MGA KANDIDATO SA PAGBILAO QUEZON ISINAGAWA

Si Pagbilao Mayoralty Candidate Tommy Batilo habang pumipirma sa peace covenant (Allan Llaneta)
Si Pagbilao Mayoralty Candidate Tommy Batilo habang pumipirma sa peace covenant (Allan Llaneta)

Allan Llaneta

Isinagawa sa Pagbilao  Quezon ang Unity Walk and Peace Covenant Signing ng mga kandidato sa ibat ibang posisyon  para sa Halalan sa Mayo nitong Lunes, araw ng mga puso. 

Ang peace signing ay pinangunahan ng Pagbilao Municipal  Police at ng  Pagbilao  Comelec.

Ayon kay Pagbilao Comelec Election Officer Ronald Rosales, layunin ng peace covenant na maging mapayapa ang election sa tulong na rin mga kandidato.

Sinabi naman ni Pagbilao Muniicipal Police  Chief Major Milo Tabernilla na patuloy nilang babantayan na maisagawa ang isang mapayapang  halalan habang patuloy parin ang ginagawang nilang Comelec Checkpoint sa nasabing bayan.

Samantala, sa panig naman ng mga kandidato, sinabi ni Pagbilao mayoralty candidate Tommy Batilo na patuloy silang makikiisa para sa mapayapang election.

Kabilang din sa mga dumalo ang mga kandidato sa pagkamayor na sina Pagbilao Vice Mayor Joseph Garcia, Tommy Batilo, Reynaldo De Pala, Ariel Martinez at Angelica Tatlong Hari.

Kasama rin sa Peace Covenant ang AFP, BFP, BJMP, mga Brgy Officials at iba’t ibang organisasyon.