Mga Kandidato sa Ibaan Nakiisa sa Unity Walk and Peace Covenant Signing

Unity Walk at Peace Covenant Signing sa Ibaan, Batangas (Lyka Manalo)
Unity Walk at Peace Covenant Signing sa Ibaan, Batangas (Lyka Manalo)

Lyka Manalo

IBAAN, BATANGAS—Nakiisa ang mga lokal na opisyal at mga kandidato sa isinagawang Peace Covenant Signing na isinagawa sa St. James Parish, bayang ito Pebrero 15 ng umaga.

Pinangunahan ng Ibaan Police at Comelec Ibaan at DILG ang Unity Walk ng mga kandidato mula sa Recto Gym at dumalo sa isang misa.

Matapos ang misa ay lumagda ang mga kandidato para sa kanilang pakikiisa sa pagkakaroon ng maayos at payapang eleksiyon.

Nagtapos ang programa sa sabay sabay pagpapalipad ng puting lobo na simbolo ng kapayapaan.