US embassy nagsagawa ng training sa mga Philippine Judges kaugnay sa cybercrime

Makikita si Associate Justice Rowena San Pedro (top left) habang pinapangunahan ang interactive session kasama sina Judges Rainelda Montesa (top center) at Wilhelmina Wagan (top right), at (from left) law professor JJ Disini, Police Lt. Col. June Abrazado, Police Maj. Robert Reyes, at Judge Eric Pablo bilang moderator. 
Makikita si Associate Justice Rowena San Pedro (top left) habang pinapangunahan ang interactive session kasama sina Judges Rainelda Montesa (top center) at Wilhelmina Wagan (top right), at (from left) law professor JJ Disini, Police Lt. Col. June Abrazado, Police Maj. Robert Reyes, at Judge Eric Pablo bilang moderator. 

Arnell Ozaeta

Nagsagawa ng training ang U.S. Embassy sa Pilipinas sa pamamagitan ng U.S. Department of Justice Office of Overseas Prosecutorial Development, Assistance, and Training (DOJ OPDAT) at ng Philippine Supreme Court Sub-Committee on Commercial Courts (SCC) and the Philippine Judicial Academy (PHILJA) para sa 38 executive judges sa buong bansa kabilang na ang mga hukom sa Region 4 kaugnay sa cybercrimes.  

Sa isinagawang training, binigyan ng briefing ang mga executive judges mula sa National Capital Judicial Region at Regions 1-12 sa cybercrimes para sa epektibong implementasyon ng Philippines’ Rules on Cybercrime Warrants (RCW).  

Ayon kay Court of Tax Appeals Associate Justice Maria Rowena Modesto-San Pedro ang kasalukuyang pandemic ay pawang naglagay sa mga Pilipino na gumamit ng online transactions.  

Dahil doon, mas nalalagay ang mga mamamayan sa cybercrimes kaya kailangang paghandaan ng mga hukom. 

“Thankfully, the Supreme Court, through PHILJA, with the gracious support of the US DOJ OPDAT, continues to roll out training workshops on cybercrime and RCW,” ani San Pedro. 

 “Not only do judges get to familiarize themselves with concepts like hash values, off-site search, forensic imaging, among others, but they also hone their skills in hearing applications for cybercrime warrants while ever cognizant of the right to privacy.”  dagdag nito

Ikinalugod naman ni US DOJ OPDAT Resident Legal Adviser Donald Calvert ang partnership ng United States at Pilipinas para mahasa ang kaalaman ng judiciary sa larangan ng cyber warrants and digital evidence.  

Bukod kay Judge San Pedro, kabilang din sa mga nagsalita kaugnay sa cybercrime law ay sina Judge Wilhelmina Jorge Wagan, Attorney Ricardo Blancaflor, Justice Apolinario Bruselas, Jr.  Former Philippine Court of Appeals Associate Justice and PHILJA Executive Secretary Ma. Luisa Quijano-Padilla kasama din si U.S. DOJ Computer Crimes and Intellectual Property Lab Director Ovie Carroll.