2 PATAY SA PAMAMARIL SA CAVITE

Ylou Dagos

Dalawa ang patay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Cavite noong Martes.

Sa bayan ng Kawit, nasawi bago pa man makarating sa ospital ang biktimang si  Crisanto Talaña Villanueva  matapos na ito ay pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Alapan 2-A pasado alas 8:00 ng umaga.

Nakatayo lamang ang biktima nang ito ay dalawang bese barilin ng suspek.

Agad ding tumakas ang salarin matapos ang pammaril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo at kung sino ang suspek.

Samantala, sa General Trias City, patay din ang biktimang si Jonathan Pulido matapos na ito ay barilin umano ng kanyang nakaalitan na si Eddie Ferrer sa Barangay Pinagtipunan alas 8:30 ng gabi.

Ayon sa Gen. Trias police, nagkasuntukan muna ang dalawa hanggang sa umatras at tumakbo ang biktima.

Subalit hinabol pa ito ng suspek at ng maabutan ay muling nagkasuntukan hanggang sa mauwi sa pamamaril ng suspek.

Dead on arrival sa Gen. Trias Medicare Hospital si Pulido samantalang nakatakas naman si Ferrer.

Ayon sa imbestigador, matagal ng alitan ng dalawa ang pinagsimulan  ng insidente.