MAHIGIT 100 PARES SABAY-SABAY KINASAL SA TANAUAN

Sina Vice Governor Marc Leviste at Tanauan City Mayor Sweet Halili kasama ang mahigit 100 pares sa isinagawang Kasalang Bayan sa Tanauan (Photo by Tanauan CIO)
Sina Vice Governor Marc Leviste at Tanauan City Mayor Sweet Halili kasama ang mahigit 100 pares sa isinagawang Kasalang Bayan sa Tanauan (Photo by Tanauan CIO)

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, tagumpay na idinaos ng Pamahalaang Lungsod ang Kasalang Bayan 2022.

May kabuuang isang daan at limampu’t siyam (159) pares ang sabay-sabay na nagpahayag ng kanilang mga sumpa ng katapatan na pinangasiwaan ni Mayor Angeline “Sweet” Halili at sinaksihan ng mga opisyal ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad, mga Department Heads sa pangunguna ni City Administrator Mr. Rizaldrin Epimaco B. Magpantay, mga ninong at ninang, at ilang kaanak. Panauhing pandangal sa naturang okasyon si Vice Governor Mark Leviste.

Bukod sa libreng aras, bridal veil, bouquet, at rehistro, tumanggap din ng ibat-ibang regalo mula kay Mayor Sweet, kapatid na si Mr. Mark Anthony Halili, Vice Mayor Junjun Trinidad, Konsehal Angel Burgos, at Vice Governor Mark Leviste ang mga ikinasal.

Nagbigay din ng cash gift si Mayor Sweet para sa pinaka maagang dumating, pinaka-maedad, at pinaka-bata sa ikinasal na pares.
Bagamat nasa Alert Level 3 ang Lungsod, hindi ito naging hadlang upang maisakatuparan ang naturang seremonya at sinigurong nasunod ang mga inilatag na minimum health protocols ng ating pamahalaan. (Tanauan CIO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s