BATANGAS TANGING LALAWIGAN SA CALABARZON NA NANANATILI SA MODERATE RISK SA COVID-19

Tanging ang lalawigan ng Batangas ang nananatili sa moderate risk category sa COVID-19 base sa OCTA Research (photo from Dr. Guido David)
Tanging ang lalawigan ng Batangas ang nananatili sa moderate risk category sa COVID-19 base sa OCTA Research (photo from Dr. Guido David)

Apat na lalawigan sa CALABARZON region ay “low risk” na ang klasipikasyon sa COVID-19 ayon sa independent analytics group na OCTA Research.

Sa tweet ni Dr. Guido David, sinabi nya na ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal at Quezon ay low risk na samantalang ang lalawigan naman ng Batangas ay nananatili sa moderate risk category.

“Positivity rates drop below 10% in Calabarzon. [National Capital Region], Cavite, Laguna, Quezon, Rizal now at low risk. Batangas is expected to improve to low risk within a few days,” ani David sa twitter.

Ang positivity rate ng Batangas ay pinakamataas sa 10% habang ang Cavite ay nasa 9%. 8% naman ang positivity rate ng Laguna at Rizal at pinakamababa ang Quezon sa 4%

Ang growth rates ng CALABARZON ay nasa 50-59% at ang daily attack rates (ADARs) ay nasa moderate risk, maliban sa Quezon na nasa very low risk category.

Sa usapin ng healthcare utilization rate, Batangas na lamang ang nananatili sa low risk habang lahat ng ibang lalawigan ay very low risk na