HATCHLINGS NG PAWIKAN IGINIYA NG MGA RESORT GUESTS SA KARAGATAN

Ang mga hatchlings o batang pawikan na natagpuan ng mga resort guest sa baybayin ng Bauan Batangas
Ang mga hatchlings o batang pawikan na natagpuan ng mga resort guest sa baybayin ng Bauan Batangas

Lyka Manalo

Iginiya at tinulungan ng resort guest ang mga “hatchlings” o batang pawikan na makapunta sa karagatan matapos matagpuan ang mga ito sa baybaying sakop ng La Thalia Resort sa Barangay Locloc, Bauan, Batangas.

Bandang 9:30 ng umaga habang namumulot ng shells ang guest nang makita ang maliliit na pawikan ayon kay Anna Renomeron , staff ng resort.

Kasama rin ng guests ang mga staff ng resort para tulungan ang mga batang pawikan para makapunta sa dagat.

“Wala po ung inahin, second time na po itong may nangitlog na pawikan sa aming tapat, una po ay noong panahon ng unang ECQ, malamang po na nabugok dahil laging lumilindol at mga aftershocks dahil ng Bulkang Taal” ayon sa staff ng resort.

Ang pawikan ay itinuturing nang endangered species dahil sa walang habas na panghuhuli nito para sa kanyang karne, shells at mga itlog. 

May parusang multa at pagkakakulong ang sino mang mahuhuling nangunguha o pumapatay ng pawikan para ibenta o gawing negosyo.