RIDER SUMALPOK SA VAN, PATAY

Ang motorsiklo ng rider na si Danilo Hernandez matapos sumalpok kasalubong na van sa highway ng Barangay Talisay, Calatagan, Batangas
Ang motorsiklo ng rider na si Danilo Hernandez matapos sumalpok sa kasalubong na van sa highway ng Barangay Talisay, Calatagan, Batangas

Marlon Luistro

Batangas – Dead on arrival sa Calatagan Medicare Hospital ang isang 40-anyos na rider ng motor matapos na mabundol ng umovertake na van sa may national highway, Barangay Talisay, Calatagan, Batangas noong Huwebes ng umaga.

Nasawi sa aksidente ang biktimang nakilalang si Danilo Hernandez, foreman, taga-Barangay Poblacion 2 sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-7:50 ng umaga nang sinubukang umovertake ng Toyota Hi-Ace Van (Plate No. WOO 824) sa mga sasakyang nasa unahan nito pero pag overtake ay bumangga ito sa kasalubong na motor na minamanehong ng biktima.

Sa lakas ng impact ay tumilapon sa kalsada ang driver at nagtamo ng injuries sa iba’t-ibang parte ng katawan. 

Di na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktima.

Masuwerteng nakaligtas naman at hindi napuruhan ang driver ng van na si Ronnie Villorente at ang kanyang pasahero.

Nakakulong na sa Calatagan Police Station ang driver ng van na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.