2 PATAY SA MAGKAHIWALAY NA PAMAMARIL SA BATANGAS

Sinusuri ng Batangas City police ang gate ng apartment ni Roy Rayos matapos pasukin ito ng gunman at pagbabarilin (Photo by Batangas City Police)
Sinusuri ng Batangas City police ang gate ng apartment ni Roy Rayos matapos pasukin ito ng gunman at pagbabarilin (Photo by Batangas City Police)

Ylo Dagos

Dalawa ng patay kabilang na ang isang babae sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Batangas noong Sabado.

Sa Batangas City, pinasok pa sa loob ng kanyang inuupahang apartment  sa Purok 1, Brgy 21,  ang biktimang si Roy Glose Rayos, isang lending collector at saka pinagbabaril bandang alas 10:40 ng umaga.

Tinamaan ito sa ulo at namatay noon din.

Ayon sa imbestigasyon ng Batangas City police, nakapasok ang mga suspek sa pamamagitan ng pagsira sa gate at pinto ng apartment.

Agad ding tumakas ang mga hindi nakilalang suspek matapos ang pamamaril.

Sa bayan ng San Juan, dead on the spot din ang tricycle driver na si Darwin Mindanao Porto matapos na ito pagbabarilin ng hindi rin nakilalang salarin habang naghihintay ng pasahero sa Barangay Palahanan alas 7:00 ng gabi.

Nakalapit ang suspek na nagkunwaring sasakay sa tricycle at saka binaril ang biktima.

Agad din itong tumakas.

Ang dalawang insidente ng pamamaril ay naganap sa gitna ng umiiral na Comelec gun ban.