BATANGAS LOW RISK NA SA COVID-19

WHO COVID-19
(photo from WHO)

Tina Ganzon-Ozaeta

Lahat ng lalawigan sa CALABARZON region ay low risk na ngayon para sa COVID-19. Ito ay ayon kay Guido David ng OCTA Research Group matapos ma-downgrade ang kategorya ng Batangas ayon sa kanyang pinakahuling report.

Ani David, bumaba na ang health care utilization at positivity rates ng Batangas. Mula sa 36% hospital bed occupancy, nasa 31% na lamang ito.

Ang positivity rate naman o bilang ng mga nagkakasakit kumpara sa mga sumailalim sa testing ay bumaba na sa 8% mula sa naunang 10%.

Samantala, sinabi naman ni David na ang lalawigan ng Quezon na may 4% positivity rate ay posibleng mauna sa ibang lalawigan sa CALABARZON na bumaba sa kategoryang “very low risk”.