PAGKAWALA NG 2 REAL ESTATE AGENTS SA BATANGAS PATULOY ANG IMBESTIGASYON

John Paul Ferolino / Rodelio Larena
Photos from Facebook
John Paul Ferolino / Rodelio Larena
Photos from Facebook

Arnell Ozaeta

BATANGAS – Patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa dalawang nawawalang real estate agents sa lalawigan dalawang buwan na ang nakakalipas. 

Matatandan noong Disyembre 11, 2021 bumiyahe sina Rodelio Larena Jr.at John Paul Ferolino sakay ng SUV patungo sa isang resort sa Mabini, Batangas para makipagkita umano sa kliyente na bibili ng condo, pero hindi na sila nakarating doon. 

Dalawang araw ang lumipas, sasakyan na lamang ni Larena ang natagpuan sa Diversion road sa bayan ng Taal sa Batangas. 

Pawang narekober sa nasabing sasakyan ang laptop, wallet at ATM pero wala na ang dashcam at GPS ng sasakyan.

Base sa CCTV footage na nakuha ng pamilya ng mga biktima, huminto pa umano ang SUV sa highway sa Barangay Bihis bago mag-hatinggabi ng Disyembre 11. 

Sa isang text message ni Police Colonel Gliserio Cansilao, Batangas Police Director – “Ongoing pa conduct ng aming investigation in coordination with Carmona MPS ,  any update relay ko sa inyo. Thank you” 

Batay sa isang interview ng ABS-CBN sa ama ni Larena – “Hindi ko alam kung ano sitwasyon niya, kumakain ba siya, natutulog ba siya. Ang aking talagang pinanghahawakan ay panalangin. Sa Diyos po kami umaasa na makakauwi ang aking anak,” ani Larena Sr. 

Lumapit na rin sa NBI ang pamilya ng mga biktima matapos mag hinala ang pamilya ni Ferolino na may mga pulis umano na sangkot sa pagkawala ng mga biktima batay narin sa Instagram account ni John Paul.

Hiningan naman ng Frontpage si Col Cansilao para sa naging statement ng pamilya ni Ferolino-,” Wala akong detalye tungkol dyan pero kasama ito sa iniimbestigahan” paliwanag nito.