15 WANTED SA BATANGAS, NASAKOTE

Ang mga naaresto sa lalawigan ng Batangas kabilang ang 5 nasa Most Wanted list ng pulisya (photo from BPPO)
Ang mga naaresto sa lalawigan ng Batangas kabilang ang 5 nasa Most Wanted list ng pulisya (photo from BPPO)

Lyka Manalo

Nasa labinlimang (15) katao ang nasakote ng mga awtoridad sa lalawigan ng Batangas sa bisa ng warrant of arrest kung saan 5 dito ay kabilang sa Most Wanted Person-Provincial at City Level nitong Sabado.

Kinilala ni PCol Glicerio Cansilao, Batangas Police Director ang dalawang MWP-Provincial Level na sina Rolando Cayoyong, 43 taong gulang, construction worker, tubong Brgy Balud Calbayog Samar at kasalukuyang naninirahan sa Brgy Tangob, Lipa City, tinaguriang Rank 7 MWP na may kasong Frustrated Murder at si Jeffrey Bacay, 30 taong gulang, taga Brgy. Colvo, Bauan, Batangas at itinuturing na Rank 9 MWP na may kasong paglabag sa RA 7610.

Kinilala naman ang tatlong MWP-City Level na sina Mark Eugene Eriquez, 38 , technician, ng Brgy Antipolo Del Norte, Lipa City na itinuturing na Rank 3 MWP sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition; Felix Elnar y Meera Nolito, 37 , taga Brgy. Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas at itinuturing na Rank 10 na may kasong paglabag sa RA 7610; at si Jose Balatucan, 44, tubong Brgy. Casay, naninirahan sa Brgy. Santiago, Sto. Tomas City, Batangas na itinuturing na Rank 8 MWP sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sampung wanted naman ang nahuli sa Rosario, Calaca, Lemery, San Jose, Cuenca, San Nicolas, at Sta Teresita sa probinsya ng Batangas.

“Taos pusong pasasalamat po sa inyong mga suporta at patuloy na pagbibigay ng impormasyon na syang nakatulong upang makamit ng inyong kapulisan ang tagumpay na ito para mawakasan na ang pagtatago sa batas ng mga ito.” pahayag ni Cansilao.