2-DAY OPERATION LABAN SA ILEGAL NA GAWAIN SA KAGUBATAN ISINAGAWA SA LAGUNA

Sari-saring lumber ang nasakote ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon laban sa mga ilegal na gawain sa kagubatan sa Sta. Cruz, Laguna (photo from DENR 4A)
Sari-saring lumber ang nasakote ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon laban sa mga ilegal na gawain sa kagubatan sa Sta. Cruz, Laguna (photo from DENR 4A)

Isang intelligence report ang nakarating sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz patungkol sa di umanoý putol na mga puno sa Brgy. Udia, Cavinti, Laguna. Kaugnay nito ay agad tumulak ang grupo mula sa Enforcement and Monitoring Section (EMS) sa pangunguna ni OIC, Chief Daniel Arthur sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) Cavinti upang makipag-ugnayan patungkol sa nasabing ulat at pag-usapan ang mga susunod na hakbangin.

Isang joint-operation katuwang ang PNP Cavinti ang naikasa sa Brgy. Udia, Cavinti, Laguna upang maberipika ang nasabing ulat. Tumambad sa grupo ang 14 piraso ng Santol round logs.

Noong sumunod na araw, muling nagkasa ng isang joint operation ang mga nasabing tanggapan sa mga barangay ng Udia at Bangco, Cavinti, Laguna sa pangunguna ni OIC, CENRO Venerando Garcia. Nasabat ang 11 na sako ng uling, tatlong (3) furniture sets, 19 piraso ng Santol Lumber at sampung (10) piraso na Maytalang, Poas, Paitan, Santol at Malapapaya Round Logs.

Naging matagumpay ang mga nasabing operasyon ng CENRO Sta. Cruz sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan kina CENRO Oliver Olivo ng CENRO Real, Mayor Milbert Oliveros ng Lokal na Pamahalaan ng Cavinti, at PLT. Sergio Amaba Jr. ng PNP Cavinti.

Ang mga nasabat na kahoy, uling at furniture sets ay nasa pangangalaga ngayon ng CENRO Sta. Cruz na matatagpuan sa Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna upang pangalagaan ang mga naturang produktong gubat.