1 PATAY 2 SUGATAN, PNP CHOPPER BUMAGSAK SA QUEZON

Ang PNP chopper na bumagsak sa Real, Quezon sakay ang 3 katao (photo from QPPO)
Ang PNP chopper na bumagsak sa Real, Quezon sakay ang 3 katao (photo from QPPO)

Ylou Dagos

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos na bumagsak ang chopper na pag-aari ng Philippine National Police Air Unit sa Real, Quezon dakong alas 8:15 Lunes ng umaga.

Sa inisyal na report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), patungong Balesin Island sa Polillo, Quezon galing Maynila ang PNP chopper na may tail number RP-9710 nang bumagsak ito sa bulubunduking lugar ng Purok Mayaog, Brgy. Pandan, Real.

Ayon kay PNP-PIO chief Brig. Gen. Roderick Alba, nasawi habang nilalapatan ng paunang lunas malapit sa crash site ang isa sa mga sakay na kinilalang si Pat. Allen Noel Ona.

Dalawa pang police officer na sina Lt. Col. Dexter Vitug , ang piloto at Lt. Col. Michael Melloria, na co-pilot ang kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Claro M. Recto Hospital sa kalapit na bayan ng Infanta.

Ayon pa sa naunang report, susunduin sana ng chopper sa Balesin Island si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos at mga kasama nito nang magcrash ang chopper habang patungo doon.

Inaalam pa ng mga awtoridd ang dahilan ng pagbagsak ng chopper.

Ang PNP chopper na bumagsak sa Real, Quezon sakay ang 3 katao (photo from QPPO)

(photo from QPPO)