2 PANG PULIS NA  SUSPEK SA PAGPATAY SA BODYGUARD NI CONG. CHONG, SUMUKO SA RIZAL

frontpage online news - Si Richard Santillan ang security aide ni Biliran Representative Glen Chong na napatay umano ng mga pulis sa Cainta Rizal noong December 2018 (Photo from Facebook)
Si Richard Santillan ang security aide ni Biliran Representative Glen Chong na napatay umano ng mga pulis sa Cainta Rizal noong December 2018 (Photo from Facebook)

Ylou Dagos

Dalawa pang police na hinihinalang sangkot sa pagkamatay ng dating aide ni Biliran representative Glenn Chong at babaeng kasama nito ang sumuko sa PNP sa Cainta, Rizal nitong Miyerkules.

Batay sa report ng Rizal PNP, sina PCMS Edgar Awa-Ao at  PCPL Jonel Adin, parehong miyembro ng Cainta PNP ay kusang sumuko sa warrant and subpoena Section ng Cainta Municipal police station alas 5:00 Miyerkules ng hapon matapos ang mahigit isang taong pagtatago.

Ang dalawa ay kapwa may standing warrant of arrest mula sa Regional Trial Court, Antipolo City Branch 99 para sa kasong two counts of murder kaugnay sa pagkamatay nina Richard Santillan, na security aide ni dating Biliran Congressman Glenn Chong at nang isang Gessamyn Casing na kasama nito sa kotse na pinagbabaril sa isang police operation sa  Barangay San Andres, Cainta, Rizal noong December 10, 2018.

Ang dalawang sumukong suspek ay kabilang sa 20 miyembro ng PNP na ang 18 ay nakatalaga  sa Rizal Provincial Highway Patrol Team, 7  mula sa Cainta Municipal Police Station at 9  mula  Regional Special Operations Unit ng Regional Intelligence Division ng  CALABARZON Regional Police. 

Nahaharap sa kasong murder ang mga nakasama sa nasabing madugong operasyon.

Nito lamang nakaraang Lunes, Feb 21, 10 ding sangkot na pulis ang sumuko sa Legaspi City police station sa Albay.

Kabilang sa mga ito sina police Staff Sergeants Julius Villadarez ng Quezon City, Richard Raagas, Corporal Arthur Gerard Ignacio, Patrolmen Napoleon Relox, Jordan Antonio, Marvin Santos, at  Terry Anthony, na mga miyembro ng  Rizal police. 

Kasama din sa mga sumuko sina Corporals Merwin Macam, Diogenes Barrameda Jr., at  Patrolman Efren Areola, na mga miyembro naman ng  Highway Patrol Group ng Region 4A (Calabarzon).

Dinala na ang lahat ng suspek sa headquartes ng Calarbazon police office.