44 ARESTADO SA TUPADA SA LAGUNA

frontpage online news -Ang 44 na mga sabungero na naaresto ng pulisya habang nagsasagawa ng tupada sa Laguna (photo by   Bay police)
Ang 44 na mga sabungero na naaresto ng pulisya habang nagsasagawa ng tupada sa Laguna (photo by Bay police)

Ylou Dagos

Laguna – Arestado ang 44 na sabungero sa raid ng mga awtoridad sa iligal na tupadahan sa Bay,  Laguna Sabado ng tanghali. 

Batay sa report ng Bay police, isinagawa ng mga tauhan ng Laguna Provincial Police Office at Bay police ang pagsalakay sa Barangay  Sto.  Domingo at nadakma ang 44 na naaktuhang nagsasagawa ng iligal na sabong at nagpupustahan. 

Nakakumpiska ang mga awroridad sa raid ng mga patay at buhay na sasabungin, mga tari at cash money na nagkakahalaha ng mahigit sa ₱37,000.00 na ginamit na pantaya.

Nahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa kasong illegal gambling