ALKALDE NG INFANTA, QUEZON, TINAMBANGAN

frontpage online news - Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pananambang sa akalde ng Infanta, Quezon (kuha ni Melchor Luza)
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pananambang sa akalde ng Infanta, Quezon (kuha ni Melchor Luza)

Ylou Dagos

Sugatan ang mayor ng bayan ng Infanta, Quezon matapos na ito ay tambangan ng mga hindi nakilalang salarin habang sakay ng kanyang sasakyan ngayong Linggo ng tanghali.

Sa inisyal na report ng pulisya, kagagaling sa simbahan ng biktimang si Mayor Filipina Grace America at sakay ng kanyang SUV papauwi nang ito ay tambangan ng mga suspek hindi kalayuan sa simbahan.

Tinamaan ng mga bala sa katawan ang mayor at agad isinugod sa ospital.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Narkober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng pamamaril ang pitong basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang isinasagawang pag-iimbestiga at inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril.

Ayon kay Quezon Governor Danilo Suarez
nakatakda itong i-airlift patungo sa isang ospital sa Maynila.