MINISTOP, HINOLDAP SA BACOOR

frontpage online news - Bacoor Cavite Map

Marlon Luistro

Bacoor, Cavite – Hinoldap at ninakawan ng di-kilalang mga suspek ang convenience store na Ministop sa Addas Greenfield, Barangay Mambog 4 ng lungsod na ito noong Sabado ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-10:40 ng umaga nasa loob lamang ng tindahan ang manager na si Joy Ann Jimenez at store crew na si Jonalyn Sagat nang bigla na lang dumating ang di kilalang lalaki. 

Nilarawan ang isa sa mga suspek na payat na pangangatawan, 5’0 feet ang taas at nakasuot ng Lalamove na jacket.

Tinutukan niya ng baril ang mga biktima at doon nagdeklara ng holdap. Sapilitang tinangay ng suspek ang P30,000 na kita ng tindahan bago agad na tumakas palayo patungo sa di pa malamang direksyon.

Alas-12:10 ng hapon nang maitawag sa Bacoor City Police ang insidente.

Nagpapatuloy naman ang follow up investigation ng pulisya para matukoy at mahuli ang tumakas na suspek.