ISANG PAARLAAN SA PAGSANJAN NAGSIMULA NA NG FACE-TO-FACE CLASSES

frontpage online news - Balik-eskwela na ang mga estudyante ng Unson Elementary School sa Pagsanjan, Laguna sa paguumpisa ng limited face-to-face classes ngayong araw. (photo from Mayor Peter Casius Trinidad Facebook page)
Balik-eskwela na ang mga estudyante ng Unson Elementary School sa Pagsanjan, Laguna sa paguumpisa ng limited face-to-face classes ngayong araw. (photo from Mayor Peter Casius Trinidad Facebook page)

Nagsimula na ngayon araw ang Limited Face-to-Face Classes sa Unson Elementary School sa bayan ng Pagsanjan sa Laguna.

Sinaksihan ni Pagsanjan Mayor Peter Casius Trinidad ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante.

“Sinisiguro ng ating mga guro gayon din ang inyong lokal na pamahalaan na ang bawat mag-aaral ay magiging ligtas at kumportable sa kanilang pagbabalik-eskwela,” ani Trinidad.

“Naging masaya at aktibo umano ang mga guro sa ginawang harapang pagkaklase sapagkat matapos ang halos dalawang taon, muli nilang nagamit ang silid-aralan upang magturo at hindi tambakan lamang ng mga modyul.

Ang Unson Elementary School ay handa sa anumang mga pagsubok na haharapin sa pagpapatupad ng limited face-to face classes sapagkat ang punongguro, mga guro, Local Government Unit (LGU) ng Pagsanjan, punong barangay, mga magulang ay nagkakaisa sa pagsasagawa nito,” pahayag ni Trinidad.