DINEDMA SA SEX TRIP, LALAKI SINAKSAK ANG DYOWA SA QUEZON

frontpage online news - General Nakar Map

Sonny T. Mallari

GENERAL NAKAR, Quezon – Isang 25-taong-gulang na babae sa General Nakar, Quezon ang sinaksak ng kanyang live-in partner matapos na tumangging makipagtalik sa kanya.

Batay sa report ng pulisya, nasa loob ng kanilang bahay sina Caren Joy Garcia at Dexter Adornado, 25, sa Barangay Minahan bandang 9:30 ng gabi.

Humirit si Adornado kay Garcia na magtalik sila subalit dinedma ng babae ang sex trip ng lalaki hanggang sa humantong sila sa mainitang pagtatalo.

Nanlaban si Garcia kay Adornado na nagtulak sa huli na kumuha ng patalim at sinaksak sa likod ang kanyang dyowa dahil sa galit. 

Mabilis na tumakas ang lalaki at iniwang duguan ang babae na dinala ng mga kapitbahay sa Claro M. Recto Hospital sa karatig na bayan ng ng Infanta.

Pinaghahanap ng pulisya si Adornado para managot sa ginawang pananaksak.