TRICYCLE DRIVER NA UMANO’Y PUSHER, HULI SA BUYBUST SA BATANGAS CITY

(file photo)

Marlon Luistro

Lungsod ng Batangas – Humihimas na ngayon ng rehas ang isang 55-anyos na tricycle driver na nahuling nagtutulak umano ng droga sa Barangay Bolbok Martes ng hapon

Kinilala ang suspek na si Marlo Noche, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:15 nang ikasa ng mga tauhan ng city drug enforcement unit ng Batangas City Police ang buybust laban sa suspek. 

Nahuli sa aktong nagbebenta ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang suspek kapalit ang P500 marked money.

Bukod sa nasabing pakete ng hinihinalang shabu at P500 buybust money, nabawi rin mula sa suspek ang dalawa pang pakete ng umanoy shabu na nakasilid sa isang plastic container.

Nakakulong na sa Batangas City Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.