BABAENG RIDER SUMEMPLANG ANG MOTOR SA BATANGAS CITY HIGHWAY, PATAY

Marlon Luistro

Lungsod ng Batangas – Patay ang isang 41-anyos na babae makaraang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa may national highway, Barangay Mahabang Parang noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, bandang alas-9:45 ng gabi, tinatahak lamang ng biktimang si Bernadette Garcia ang southbound lane ng highway lulan ng minamanehong Honda motorcycle nang mawalan ito ng kontrol at sumemplang sa kaliwang bahagi ng road pavement.

Nadala pa siya sa Batangas Medical Center pero idineklara nang patay ng attending physician na si Dr. Elvin Mejino bandang alas-10:30 ng gabi.