NAHULING WALANG HELMET SA CHECKPOINT, WANTED PALA SA KASONG MURDER

Nasita ng mga pulis ang wanted person na si Gallego habang walang suot na helmet sa isang checkpoint sa Ibaan, Batangas (photo from BPPO)
Nasita ng mga pulis ang wanted person na si Gallego habang walang suot na helmet sa isang checkpoint sa Ibaan, Batangas (photo from BPPO)

Arnell Ozaeta

Kalaboso ang isang lalaking wanted sa kasong murder matapos masita sa isang checkpoint dahil sa walang suot na helmet sa Ibaan, Batangas Huwebes ng hapon

Kinilala ang suspek na si Ronilo Gallego, Rank No.5 na wanted person sa PRO4A at PRO 6 sa kasong murder. 

Ayon sa report, pinara sa police checkpoint si Gallego sa BrgyTalaibon, Ibaan, Batangas dahil wala itong suot na helmet bandang alas 3:11 ng hapon. 

Noong nagprisinta ng drivers license si Gallego sa mga pulis, napansin nila na peke ang lisensya nito kaya iniimbitahan nila ito sa kanilang istasyon.

Napag-alaman pa sa ginawang beripikasyon na may naka binbin palang warrant of arrest si Gallego mula kay Hon. Dyna Doll Chiongson-Trocio, Presiding Judge ng Regional Trial Court. Sixth Judicial Region, Branch 40 ng Silay City. 

Nai-isyu ang naturang warrant noon pang July 1, 2014 na walang kaukulang pyansa. 

Kasalukuyan nang nakakulong sa Ibaan police station si Gallego para sa kaukulang aksyon.