BACK RIDER NA GINANG PATAY SA AKSIDENTE, 2 KAPAMILYA SUGATAN

frontpage online news - Tuy Batangas Map

Arnell Ozaeta

Batangas – Patay ang 41-anyos na ginang samantalang sugatan naman ang asawa’t anak nito matapos maaksidente sa motorsiklo sa bayan ng Tuy noong March 7 ng gabi. 

Kinilala ng Tuy police ang nasawing biktima na si Elsa Mendoza, residente ng Brgy Mataywanak Tuy, Batangas. 

Sugatan naman ang asawa ni Elsa na si Ereneo, 44 at anak nilang 10-taong na si Christalyn

Dead on arrival si Elsa samantalang ginagamot naman ang mag-ama sa 
Don Manuel Lopez Memorial District Hospital

Ayon sa report, binabagtas ng pamilyang Mendoza ang kahabaan ng National Highway, Brgy. Tuyon-Tuyon sakay ng isang motorsiklo nang banggain umano sila sa likod ng isang Nissan Sentra (URT 501) na minamaneho ni Leo Ryan Vergel bandang alas 9:45 ng gabi. 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-anak na naging sanhi ng pagkamatay ni Elsa. 

Mahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries ang driver ng kotse.