TATAY NA RAPIST TIMBOG SA QUEZON

(photo from QPPO)

Ylou Dagos

Arestado ang isang 44-anyos na lalaki matapos na ito ay sampahan ng kasong rape ng kanyang anak na dalagita na paulit-ulit umano nitong ginahasa sa kanilang bahay sa  Polillo, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Reman, tubong Bangabong, Occidental Mindoro at  residente ng Barangay Pamatdan.

Batay sa report ng Polillo police, inaresto ang suspek noong Lunes ng tanghali sa bisa ng warrant of arrest mula sa RTC Branch 65 Infanta, Quezon sa kasong 28 counts of rape at two counts of Acts of Lasciviousness na inilabas noong February 23, 2022.

Si Reman ay sinampahan ng kaso ng kanyang anak na si alyas Baby dahil umano sa paulit-ulit na pangagahasa dito simula noong siya ay 13-anyos pa lamang at  grade 9 student noon.

Nakatala din ang suspek sa pulisya  bilang isa sa most wanted person ng Region 4A.

Nakakulong na ngayon sa  locked up cell ng Polillo police station ang suspek at walang inerekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.