3 ILEGAL LOGGERS PINAGHAHANAP SA BATANGAS

frontpage online news - Iniispeksyon ng mga tauhan ng San Luis PNP ang inabandunang mga cocolumber ng mga tumakas na tatlong ilegal loggers (photo by Batangas PPO)
Iniispeksyon ng mga tauhan ng San Luis PNP ang inabandunang mga cocolumber ng mga tumakas na tatlong ilegal loggers (photo by Batangas PPO)

Arnell Ozaeta

Batangas – Tatlo umanong illegal loggers ang pinaghahanap matapos ilegal na  namutol ng puno ng niyog sa bayan ng San Luis Martes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Nemesio Atienza, Ronaldo Mirano at isang alias John.

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang San Luis police station mula sa isang concerned citizen para ireport ang nagaganap na illegal logging sa Brgy. Durungao, San Luis, Batangas bandang alas-4:05 ng hapon.

Agad namang rumesponde sa lugar ang ang mga awtoridad sa pangunguna ni PSMS Nolly Badillo De Villa kasama si Rinkoh Hernandez, Municipal Agriculturist, Barangay Captain Wilma Magnaye at Barangay Councilor Erwin Mirano. 

Subalit pag dating nila sa nasabing barangay, wala na umano ang mga suspek matapos iwan ang mga naputol na puno ng niyog. 

Narekober ng 1,534 board feet ng puno ng niyog na nagkakahalaga ng P46,020. 00

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang mga nakatakas na suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 8048 o Coconut Tree Preservation Act.