3 TIMBOG SA “PAIHI” AT ILLEGAL NA BARIL

frontpage online news - Ang mga nakumpiskang ebidensya laban sa 3 lalaking sangkot sa paihi operation sa Quezon
Ang mga nakumpiskang ebidensya laban sa 3 lalaking sangkot sa paihi operation sa Quezon

Arnell Ozaeta

Quezon – Tatlong kalalakihan ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa “paihi” at mga illegal na baril sa isang raid sa Lucena City noong March 7 ng gabi. 

Kinilala ang mga suspek na sina Christopher Pena, 38, Ian Toezel Custodio, 28 pawang mga residente ng Pagbilao at  Randy Marcelino, 42, residente ng Lucena City. 

Ayon sa report, nagawang maaresto amg mga suspek sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Quezon, Lucena police at 405th RMFB 4A sa Purok Bagong Buhay, Barangay Ibang-Ibang Talim , Lucena City. 

Nakumpiska sa mga suspek ang isang Caliber .45 pistol, isang 9mm pistol, isang shotgun, mga bala, mga cellphone, cash, electric pump at mga drum na ginagamit umano sa “paihi” operation. 

Ang “paihi” operation ay ilegal na pagbebenta ng gasolina na ninakaw mula sa mga delivery tanker. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Violation of PD 1865 o illegal trading of petroleum products at violation of Comelec gunban ang mga suspek.