DALAWA PATAY, 3 SUGATAN SA DALAWANG MAGKAHIWALAY NA MOTORCYCLE ACCIDENT SA QUEZON

frontpage online news - Nakahandusay ang mag live-in partner sa kahabaan ng Lucena Diversion Road, Barangay Mayumi, Tayabas City matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang Elf truck (photo from Lucena 101 / Veyn x Veyn)
Nakahandusay ang mag live-in partner sa kahabaan ng Lucena Diversion Road, Barangay Mayumi, Tayabas City matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang Elf truck (photo from Lucena 101 / Veyn x Veyn)

Ylou Dagos

Dalawa ang nasawi habang tatlo naman ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa Quezon province noong araw ng Martes.

Nangyari ang isang aksidente sa Lucena City diversion road sakop ng Barangay Mayuwi, Tayabas City, nang ang sinasakyang motorsiklo ng mag-live in partner na nagmula pa sa Cavite ay sumalpok sa isang truck dakong alas 3:45 ng hapon.

Dead on arrival sa Quezon Medical Center ang biktimang si Maria Floreza Adarayon, 24 anyos, Branch Secretary at residente ng Trece Martirez, Cavite City, matapos humampas ang ulo nito sa hulihang bahagi ng Isuzu Elf Track. 

Nakaligtas naman sa aksidente ang live-in partner ni Adarayon na si Sem Barbacena, 27 

Batay sa report patungo sa direksyon ng Lucena ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima nang biglang lumiko umano pakaliwa ang kasalubong na elf truck.

Sinubukang iwasan ng Barbacena ang truck pero nawalan ito ng kontrol kaya  natumba hanggang tumilapon si Adarayon patungo sa truck.

Naaresto ng mga awtoridad ang driver ng truck na si Edgardo Anos, 49 na nahaharap sa kaukulang kaso. 

Samantala sa Candelaria , patay ang 18-anyos na binata matapos na maka-head on collision ang isa ring motorsiklo sa Maharlika Highway, Barangay Masin Sur bandang alas 12.:20 ng madaling araw noong Miyerkules. 

Dead on the spot ang biktimang si John Hilary Lontoc, 18, taga Barangay Lusacan, Tiaong.

Batay sa report sinakop umano ni Lontoc ang kabilang kalsada hanggang salpukin ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Earl Tristan Dalisay. 

Sugatang isinugod sa ospital si Dalisay kasama ang back-rider ni Lontoc na si Kenneth Deguino.