DATING REBEL LEADER SUMUKO SA BATANGAS

Arnell Ozaeta

Sumuko sa pamahalaan ang dating leader ng New People`s Army (NPA) dahil narin sa pangungumbinsi sa kanya ng kanyang mga kamag-anak. 

Kinilala ang rebel returnee na si alias Leon / Jelo, 42, magsasaka at residente ng Barangay Mabini, Mulanay, Quezon. 

Batay sa report, si alias Leo ay dating Vice Iskwad Leader (VIL) ng Sub-Regional Military Area (SRMA) 4B, Platoon Japson, Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) na ang operasyon ay Marinduque, MIMAROPA Region at Quezon province sa CALABARZON.

Isinuko din ni alias Leo ang kanyang caliber 45 pistol at limang bala. 

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Batangas PPO ang dating rebelde para sa kaukulang dokumentasyon at isagawa ang aplikasyon nito sa E-CLIP program ng pamahalaan.