LALAKI PATAY SA AMBUSH SA CALATAGAN

frontpage online news - Ang mga labi ni Arthur de Castro na namatay sa isang ambush sa Calatagan, Batangas (photo from Calatagan PNP)
Ang mga labi ni Arthur de Castro na namatay sa isang ambush sa Calatagan, Batangas (photo from Calatagan PNP)

Marlon Luistro

Dead on the spot ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng tatlong di pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Paraiso, Calatagan, Batangas Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Arthur de Castro.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:30 ng hapon, nagtatrabaho lamang ang biktima sa isang tindahan sa may construction site nang bigla na lang dumating ang tatlong armadong lalaking sakay ng dalawang sasakyan at pinagbabaril ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng tumakas na suspek at motibo ng pamamaril.