MAG-UTOL NA TULAK, TIMBOG SA PARAK

frontpage online news - Ang naarestong magkapatid sa isinagawang buy bust operation sa Lucena City (photo Lucena PNP)
Ang naarestong magkapatid sa isinagawang buy bust operation sa Lucena City (photo Lucena PNP)

Allan Llaneta

Hindi na nakapalag pa ang magkapatid na tulak makaraang masakote ng mga awtoridad sa isang drug buy bust operation sa barangay Ibabang Iyam sa Lucena City Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni Lucena City Police Chief Lieutenant Colonel Reynaldo Reyes ang magkapatid na suspek na sina Aljon Cueto 26 anyos at Alfred Cueto 20 anyos kapwa residente sa lugar.

Ayon sa Lucena City Police pasado alas 5:00 ng umaga ng mahuli ang magkapatid makaraang magpanggap na bibili ng shabu ang isa sa mga operatiba  ng pulis.

Narekober sa mga suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga  ng nasa 25 thousand pesos, mga drug pharapernalia at 500 peso bill na ginamit bilang mark money.

Nakakulong na ngayon sa Lucena City lock up jail ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag RA 9165 o Dangerous drug act of 2002.