MAGKASINTAHAN NIRATRAT SA KUBO SA CAVITE, LALAKI PATAY

frontpage online news - Imus Cavite Map

Ylou Dagos

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kinakasama nito matapos na pagbabarilin habang mahimbing na natutulog sa kanilang kubo sa Imus City, Cavite Miyerkules ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Francis Doloeras dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sugatan naman ang kasama nito na si Anna Marie Arcebuche na tinamaan ng bala sa kanang braso.

Ayon sa Imus police, bandang alas 1:30 ng madaling araw, natutulog na ang dalawa sa kanilang bahay sa Barangay Anabu 2-C, nang dumating ang suspek at pagbabarilin ang dalawa sa higaan gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Target umano ng suspek ang lalaki at nadamay lamang sa pamamaril ang babae.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung sino ang tumakas na salarin.