TATLONG CENTENARIAN TUMANGGAP NG P100K CASH INCENTIVE

frontpage online news - Ang mga centenarians na nakatanggap ng cash incentive sa DSWD (Photo: Palakat Batangas City)
Ang mga centenarians na nakatanggap ng cash incentive sa DSWD (Photo: Palakat Batangas City)

Jaimee Mauricio

Tatlong centenarian ang pawang nakatanggap ng P100,000.00 bawat isa bilang cash incentive mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batangas City. 

Kinilala ang una ng dalawang centenarian na sina Belen B. Caedo ng barangay Poblacion 3 at Belen H. Maligalig ng Poblacion 8, kapwa 102 taong gulang, kasunod nito si Apolinar Dimaano  ng Barangay Tingga Itaas.

Ang one-time cash incentive na ito ay bilang pagkilala at pagpupugay sa mga katatandaan na nakaabot ng 100 taong gulang at higit pa. 

Nauna nang nagbigay ng P 20,000 sa mga senior citizens ang lokal na pamahalaan na nagdiwang ng 100 taong gulang pataas.

Ayon kay Batangas CSWD Officer Mila Espanola, ito ay paraan ng pagpapahalaga ng pamahalaan  sa mga ginawa nilang kontribusyon sa kanilang komunidad.

“Malaking tulong  sa mga centenarians ang nasabing halaga na magagamit nila na pambili ng gamot at pagkain dahil  hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakaton na maabot ang ganong edad” banggit pa ni Espanola. 

Samantala, ang pagbibigay ng nasabing halaga ay itinatadhana ng Republic Act 10868  o ang  “An Act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians, and For Other Purposes” o ang The “CENTENARIANS ACT” of 2016.