TRAFFIC ENFORCER ARESTADO SA DRUG-BUY- BUST OPERATION

(file photo)

Arnell Ozaeta

Kalaboso ang isang 51-anyos na traffic enforcer matapos mahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa Balayan, Batangas

Kinilala ang suspek na si Eriberto Ilao, traffic enforcer at residente ng Barangay Gimalas, Balayan, Batangas. 

Ayon sa report, nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban kay Ilao at mahulihan ng dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu at P500.00 marked money.

Kasalukuyang nakakulong na sa Balayan Police station si Ilao para harapin ang kasong isasampa laban dito.