LENI INENDORSO NG LIPA ARCHDIOCESAN COUNCIL OF THE LAITY

frontpage online news - LENI INENDORSO NG LIPA ARCHDIOCESAN COUNCIL OF THE LAITY

Marlon Luistro

Inendorso ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity si presidential aspirant VP Leni Robredo base sa isang opisyal na pahayag noong ika-6 ng Marso. 

“After having undergone a process of discernment through a series of meetings, dialogues and consultations among the Officers and Members, we arrived at the decision of endorsing Presidential Candidate Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo in the coming May 9, 2022 National Election,” wika ng lupon sa kanilang inilabas na official statement na naisulat sa wikang Ingles.

Naniniwala rin ang council na ang kasalukuyang sitwasyong pampulitika ay naiiba kumpara sa mga nagdaang halalan dahil aniya sa infodemic sa pamamagitan ng social media. 

Dagdag pa nila, ang pakikilahok sa pulitika ng mga Kristiyanong layko ay hindi lamang limitado sa non-partisan involvement. Bagkus ay hinihikayat din ang mga Kristiyano na makisali sa principled partisan participation na nangangahulugan aniya na kaya nilang mangampanya para sa isang mabuting kandidato bilang paggamit ng kanilang Kristiyanong pananampalataya.

“We believe that a good leader must be truthful, honest, just, and be able to serve the people first before his/her personal desires. Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo embodies these characteristics as can be seen in her several programs and projects for the marginalized communities and the youth,” dagdag nito.