2 TEAM MULA SA CALABARZON NA KASALI SA RONDA PILIPINAS 2022, UMARANGKADA NA SA BICOL

frontpage online news - Ang Quezon team na kasali sa Ronda Pilipinas 2022
Ang Quezon team na kasali sa Ronda Pilipinas 2022

Pormal ng sumipa sa Sorsogon sa Bicol region ang pagsisimula ng LBC Ronda Pilipinas 2022 ngayong araw.

Ang ika-11 edition ng preshitisyosong karera ay nilalahukan ng 104 na riders mula sa 13 teams.

Kabilang sa mga teams na maglalaban sa 10 stages na karera ay ang koponan ng depending champion Navy Standard Insurance na pangungunahan ng 2019 champion Ronald Oranza; ang Go for Gold na babanderahan ng mga beteranong sina Dominic Perez, Jonel Carcueva and Boots Ryan Cayubit; ang Excellent Noodles na inaasahang dadalahin ni Santy Barnachea at Jan Paul Morales na parehong mga dating Ronda champions.

Samantala sa kauna-unahang pagkakataon ay dalawang provincial team mula sa CALABARZON ang makakasali at ito ay ang Bike Kings Laguna at ang Team Quezon Province na binubuo ng mga pinaghalong beterano at mga newbie riders.

Kabilang din ang mga teams ng Philippine Army, Team Nueva Ecija, Dreyna, Eagle Cement, Champ Café, Vantage Ilocos Norte, VPharma, at Team Ilocos Sur.

Ang unang 4 na stages ay gaganapin sa Bicolandia mula sa Sorsogon hanggang sa Camarines Norte.

Sa Lunes, March 14, ay magkakasubukan ang tatag ng mga siklista sa pinakamahabang stage 5 na magmumula sa Daet, Camarines Norte at magtatapos sa Lucena City.

Stage 6 ang mula Lucena hanggang Tagaytay City na tutulak sa Martes, March 15.

Pagkatapos ng Tagaytay finish, ay lilipat na ang karera sa nothern Luzon kungsaan gaganapin ang 4 na huling stage na babagtas sa mga probinsya ng Tarlac to Baler, Aurora; Baler to Isabela; Santiago City to Baguio City at ang panghuling 60 kilometers Criterium na iikot sa buong Baguio City.

Ang mga mangunguna sa karera ay magkakamit ng mga gantimpalang P1 million para sa champion, ang second placer ay tatanggap ng P400,000 at ang ikatlo ay P200,000.

Samantalang ang magkakampeon na team ay magbubulsa ng P200,000 courtesy ng LBC Express, Inc., MVP Sports Foundation, Quad X, Twin Cycle Gear, Standard Insurance, Print2Go, Elves Bicycles, Elitewheels, Orome, Maynilad at Garmin.