DALAWANG OPISYAL NG BATANGAS KABILANG SA TOP PERFORMING OFFICIALS NG BANSA – SURVEY

frontpage online news - Bansa Survey

Kabilang si Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas at Batangas City Mayor Beverley Dimacuha-Mariño sa mga top-performing officials sa Pilipinas ayon sa isa isang survey group.

Sa inilabas na report ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), pangatlo si Mandanas sa top 5 Governors at nakakuha ng rating na 78%.

Si Gwen Garcia ng Cebu Province ay nakakuha ng 83%, na nagresulta sa top governor performer hanggang sa kasalukuyan. Si Francis “Chiz” Escudero ng Sorsogon ay pumangalawa sa 81%, Arthur Defensor ng Iloilo ay pang-apat na may 72%, habang si Manuel Mamba ng Cagayan ay nakakuha ng ikalimang puwesto para na may 70%.

Sa mga alkalde naman, pangatlo rin sa top 5 si Batangas Mayor Beverley Dimacuha na nakakuha ng 84%.

Si Mayor Sara Duterte ng Davao City ay “Philippines Top City Mayor” na may 98%, na sinundan ni Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City na may 86%. Sumunod naman kay Dimacuha sa ikaapat ng pwesto si Mayor Jerry Treñas ng Iloilo City na nakatanggap ng 81%, at si Mayor Gerard Anthony Gullas Jr. ng Talisay City na may 80%.

Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD, ang mga rating at ranggo ay komprehensibong batay sa pagganap ng trabaho. Ang mga alkalde ay may sari-sari na mga responsibilidad bilang lokal na Punong Tagapagpaganap. Ang mga gobernador ay may pananagutan sa pagpapatupad ng mga programa at mga inisyatiba at pagpapatupad ng mga alituntunin sa plano ng pag-unlad ng probinsiya. Ang mga Kinatawan ng Distrito ay mga halal na opisyal na may tungkuling kumatawan sa mga tao at magpatibay ng batas. Ang mga pampublikong opisyal na ito na mahusay na gumanap batay sa mga karanasan ng mga nasasakupan sa bansa ay dapat papurihan.

Ang “RPMD Public Satisfaction Survey,” na isinagawa ng RP- Mission and Development Foundation Inc., ay isang independent, non-commissioned survey na isinasagawa sa bawat distrito/lungsod/lalawigan sa bawat rehiyon. Tinanong ang mga respondent, “Do you approve or disapprove of the way [name of Mayor/Governor/Representative] is carrying out his/her duties as (Mayor/Governor/Representative)?”

Ang nationwide performance assessment survey ng lahat ng City Mayors, Governors, at District Representatives ay nakakuha ng kabuuang 10,000 respondents. Ang NCR ay may parehong mga sumasagot na sumasaklaw sa mga kagustuhan ng mga botante sa halalan 2022. Ang parehong mga hakbangin ay isinagawa noong Pebrero 22-28, 2022 gamit ang random sampling at harapang mga panayam.