GOVERNOR’S CUP INTER-LGU HOME GROWN BASKETBALL TOURNAMENT, NAG-UMPISA NA SA QUEZON

frontpage online news - Pinangunahan ni Quezon Gov.Danilo Suarez ang pormal na pagbubukas ng Governor's Cup matapos ang pagtigil nito dahil sa pandemya.
Pinangunahan ni Quezon Gov.Danilo Suarez ang pormal na pagbubukas ng Governor’s Cup matapos ang pagtigil nito dahil sa pandemya.

Allan Llaneta

Sinimulan na sa lalawigan ng Quezon ang Governor’s Inter-LGU Home Grown Basketball Tournament matapos ang ilang taon na pagtigil nito dahil sa pandemya ng Covid 19.

Ang opening ng nasabing liga ay ginanap sa Quezon Convention Center.

Kasali ang 32 koponan na kumakatawan sa bawat bayan sa probinsya Quezon kung saan ay maghaharap sila upang ipakita ang kanilang aking talento at higit sa lahat ang disiplina sa larong basketball.

Pinangunahan ni Gov.Danilo Suarez katuwang
Si Coach Jonas Guiao ng tanggapan ng Provincial Sports office ang nasabing liga.

Samantala ang lahat ng mga manlalaro ay fully vaccinated na at ang ilan dito ay mayroon na ring booster shot.

Tiniyak naman ng Quezon provincial sports office ang patuloy na pagpapatupad ng health protocols sa buong panahon ng paglalaro .