QUEZON NAKAPAGTALA LAMANG NG 1 KASO NG COVID-19 SA MAGHAPON

frontpage online news - QUEZON NAKAPAGTALA LAMANG NG 1 KASO NG COVID-19 SA MAGHAPON

Ylou Dagos

Isang kaso lamang ng COVID-19 ang naitala ng lalawigan ng Quezon sa nakalipas na maghapon.

Batay sa tala ng Quezon Integrated Provincial Health Office (IPHO), bandang alas 5:00 Huwebes ng hapon, isa lamang ang naitalang nagpositibo sa nakakahawang sakit na nagmula sa lungsod ng Lucena.

Umaabot na lamang sa 44 ang aktibong kaso sa buong Lalawigan.

Pinakamarami sa may aktibong kaso ang Tayabas na may bilang na 9; Lucena -8; Sariaya-7; at San Antonio na may 4 na kaso.

Nakapagtala din ang IPHO ng 2 bagong nakarekober sa sakit kaya umaabot na sa 31,204 ang total recoveries sa 32,804 na kabuuang naging kaso.

Wala namang naiulat na bagong nasawi kaya nanatili sa 1,556 ang mortalities sa lalawigan.

Noong Martes, March 9, dalawang kaso din lamang ang naitala sa lalawigan.

Nitong nakaraang araw, sinabi ng OCTA research na ang lalawigan ng Quezon at Lucena City ay kasama na sa “very low risk” category ng mga kaso ng COVID 19 sa buong bansa.

Umaasa naman ang pamahalaang panlalawigan na sa patuloy na pagbaba ng kaso sa Quezon ay bababa na rin sa alert level 1 ang probinsya sa sunod na anunsyo ng IATF sa Marso 16.

Sa ngayon kasama ang lalawigan ng Batangas, nanatili sa alert level 2 ang Quezon province at Lucena City sa Calabarzon.