BABAE, HINOLDAP SA TAPAT NG BAHAY SA CAVITE

frontpage online news - Trece Martires Cavite Map

Marlon Luistro

Trece Martires City, Cavite – Hinoldap ng di pa nakikilalang kawatan ang 25-anyos na tinderang sa tapat mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Cabuco noong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, papauwi na ang biktimang si Bernadette Vargas at ang kanyang pamilya habang sakay ng isang Fuso Forward Truck galing sa palengke  bandang alas-9:15 ng gabi. 

Pero pagdating sa tapat ng kanilang tahanan ay bigla na lang silang nilapitan at tinutukan ng baril ng mga suspek at hinablot ang kanyang body bag na naglalaman ng cellphone at perang nagkakahalaga ng P100,000.

Patuloy ang imbestiasyon ng pulisya para matugis ang mga suspek na tumakas patungo sa di pa malamang direksyon.