FULL SEATING CAPACITY SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON PAPAYAGAN NA

frontpage online news - FULL SEATING CAPACITY SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON PAPAYAGAN NA

Sa pagsasailalim ng Metro Manila at ilang mga probinsya, kasama ang HUCs at ICCs sa Alert Level 1, pinapayagan na ang full seating capacity sa mga pampublikong transportasyon.

Epektibo sa March 24, 2022 , kakanselahin na ang Section E(3) ng IATF Resolution No. 101 (s.2021) na may petsang Pebrero 26, 2021.

Sa ilalim ng naturang resolusyon, ipinagbawal sa mga kumpanya ng bus na gamitin ang kanilang mga pribadong terminal.

Sa pagkansela nito, hindi na rin kailangang gamitin ng mga bus papuntang probinsya ang Integrated Terminal Exchange bilang central hub para sa transportasyon.