MAG LIVE IN NA RIDER, TODAS SA HIT AND RUN SA QUEZON

frontpage online news - Tiaong Quezon

Patay ang isang negosyanteng nagmamaneho ng motorsiklo at ang backrider nitong kanyang live-in partner matapos na ma-hit ang run ng hindi natukoy na sasakyan sa Maharlika highway, Barangay Lumingon, Tiaong, Quezon Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Jeffrey Manalo, 31 at kasama nito na si Gina Lucañias Henobe, 39 anyos, parehog taga Barangay Bulakin, Tiaong.

Batay sa report ng Tiaong police, patungo sa direksyon ng town proper ang mga biktima sakay ng kanilang Nmax motorcycle nang salpukin ito ng kasalubong na sasakyan bandang alas 8:00 ng gabi.

Nagtamo ang dalawa ng mga pinsala sa ulo at katawan na nagresulta sa agarang pagkasawi ng mga ito.

Samantala sa halip na huminto, humarurot na palayo ang hindi natukoy na nakabanggang sasakyan.

Tinutunton pa ng mga awtoridad kung sino ang nagmamay-ari ng nakasagasang sasakyan.