BILANG NG MGA BATANG EDAD 5-11 NA NABAKUNAHAN SA CALABARZON, UMABOT NA SA 213,000

frontpage online news - Isang bata habang tumatanggap ng COVID-19 vaccine sa pediatric vaccination activity ng DOH Calabarzon CHD sa SM center Lemery, Batangas noong ika-11 ng Marso. (DOH Calabarzon)
Isang bata habang tumatanggap ng COVID-19 vaccine sa pediatric vaccination activity ng DOH Calabarzon CHD sa SM center Lemery, Batangas noong ika-11 ng Marso. (DOH Calabarzon)

Marlon Luistro

Iniulat ng Department of Health-Center for Health Development-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na mula ika-10 ng Marso ay umabot na sa ang kabuuang 213,424 na bata na may edad lima hanggang labing-isa (5 – 11) mula sa Priority Groups ang nabakunahan kontra COVID-19.

Ang nasabing mga bata ay kabilang sa A3 o mga may comorbidities at the Rest of the Pediatric Populasyon (ROPP).

Pinuri ni Regional Director Ariel I. Valencia ang mga local government units (LGUs) at partner stakeholders sa kanilang patuloy na pagsusumikap na ipaalam at hikayatin ang mga magulang tungkol sa mga benepisyo ng pagbabakuna sa COVID-19 para sa mga bata.

“Malaking tulong ng mga lokal na pamahalaan at mga pribadong sektor sa patuloy na pag-step up ng kanilang kampanya na ipaliwanag sa mga magulang ang kahalagahan ng pagbabakuna sa kanilang mga anak na nasa edad 5 hanggang 11 taon para sa kalusugang pisikal at mental at maihanda rin sila. sa muling pagbabalik ng face-to-face classes,” aniya.

Ang kooperasyon, pagtutulungan, at serbisyo ng bawat miyembro ng vaccination team ang dahilan kung bakit tuloy-tuloy ang pagtaas sa bilang ng mga nabakunahang bata,” dagdag ni Valencia.

Batay sa ulat ng Vaccine Operations Reporting System (VORS), nasa 6,477 bata na may edad 5-11 na may comorbidities ang nakatanggap ng kanilang unang doses ng bakuna habang 1,057 bata sa parehong kategorya ang nakakuha ng pangalawang shot ng bakuna.

Umabot naman sa 176,451 na bata mula sa Rest of the Pediatric Population (ROPP) ang nakatanggap ng unang doses habang 29,439 na bata naman ang nakatanggap ng pangalawang dose.

Ang lalawigan ng Cavite ang siyang may pinakamataas na bilang ng kabuuang nabakunahan para sa 5 hanggang 11 age group na 81,258, sinundan ng Rizal na may 46,452, Batangas-38,558, Laguna-34,733, Quezon Province-7,244, at Lucena City-5,179.

Muling hinikayat ni Direktor Valencia ang mga magulang na irehistro muna ang kanilang mga anak para sa pagbabakuna para sa karagdagang layer ng proteksyon laban sa COVID-19.

“Huwag nang magpahuli mga kapwa ko magulang. Agad na iparehistro ang ating anak para sa bakunahan. This is the best protection forthem against hospitalization caused by severe and critical symptoms ng COVID-19,” ani Valencia.

Samantala, tiniyak niya ang patuloy na tulong ng regional office sa mga tuntunin ng human resources complements at logistics sa LGUs para palakasin ang kanilang inoculation campaign para sa mga bata.

Sa kasalukuyan, ang tanggapan ng rehiyon ay nakapaghatid na ng 614,100 na doses ng reformulated Pfizer vaccines para sa 5-11 na pangkat ng edad ng mga bata, ayon sa pagkakabanggit.