CALABARZON, PANGALAWA SA PINAKAMARAMING NABAKUNAHANG SENIORS NOONG BAYANIHAN BAKUNAHAN 4

frontpage online news - Binabakunahan ang isang senior citizen sa Barangay Dayap, Nasugbu, Batangas noong ika-14 ng Marso  (DOH Calabarzon CHD)
Binabakunahan ang isang senior citizen sa Barangay Dayap, Nasugbu, Batangas noong ika-14 ng Marso (DOH Calabarzon CHD)

Marlon Luistro

Naitala ng CALABARZON ang pangalawang pinakamataas na bilang ng A2 (Senior Citizen) na nabakunahan sa tatlong araw na national vaccination day part 4 na may kabuuang 3,442 jabs.

Yan ay ayon na rin sa inilabas na ulat ng National Covid-19 Vaccination Operations Center (NVOC).

Ang rehiyong may pinakamataas na bilang ng A2 vaccines ay ang Rehiyon 3 na may 4,865, sinundan ng Calabarzon 3,442 at pumangatlo naman ang Rehiyon 6 na may 3,365.

“Effective ang ginawa nating pagbaba sa barangay level down to their door steps. Marami kasi sa mga elderly ay nahihirapan na din pumunta sa mga vaccination site ang iba naman ay dahilan na din sa kakulangan sa pamasahe kaya we made the vaccines available and accessible to them,” ani DOH Calabarzon Regional Director Ariel Valencia sa inilabas na pahayag.

“Bagama’t hindi pa natin naabot ang target na P250k+ sa loob ng tatlong araw, ang napakalaking tugon ng (A2) na matatanda sa panahon ng inoculation ay nagpapakita na ang pag-aalangan ng mga tao laban sa mga bakunang COVID-19, at tinatanggap na nila ang mga bakuna sa COVID-19 ay epektibo at ligtas,” dagdag niya.

Inatasan na ng DOH CHD CALABARZON ang vaccination teams na bumaba sa mga barangay, simbahan, palengke, at maging sa mga terminal ng pampublikong transportasyon upang palawakin ang access ng mga indibidwal na kwalipikadong mabakunahan laban sa COVID-19.

“Overall, naging maayos naman and well-coordinated ang NVD4 natin.

Samantala, pinag-iisipan ng gobyerno na palawigin ang tatlong araw na NVD 4 hanggang ika-18 ng Marso upang madagdagan ang saklaw ng pagbabakuna.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na namumuno din sa National Vaccination Operations Center, sa pulong ng NVOC na ang pinagsama-samang bilang mga naiturok na doses ng bakuna ay 62 porsiyento lamang ng target na 1.8 milyong doses ng bakuna.

Batay sa bagong pamantayang itinakda ng COVID-19 Inter-Agency Task Force
ay kailangang tiyakin ng mga lokal na pamahalaan na hindi bababa sa 70 porsyento ng mga senior citizen ang dapat ay fully vaccinated na laban sa virus bago sila lumipat sa Alert Level 1.

Mula noong Marso 1, 2022, ang Cavite at Laguna ay inilagay sa ilalim ng least restrictive alert level 1. Habang nitong ika-16 ng Marso ay ibinaba na rin sa parehong alert level ang lalawigan ng Batangas at Lucena City.

Noong ika-10 ng Marso, may kabuuan nang 20,862,563 na doses ng mga bakuna ng COVID-19 sa mahigit 688 na aktibong lugar ng pagbabakuna ang naibigay sa Calabarzon; 9,718,599 (73%) indibidwal ang fully vaccinated; 10,366,593 (78%) ang nakatanggap ng kanilang unang dose; habang 1,849,665 (19%) indibidwal ang nakatanggap ng kanilang booster dose.

Pinakamaraming naiturok na bakuna ang brand na Pfizer na may 8,683,770 kabuuang doses. Sinundan ito ng Sinovac na may 6,836,706 kabuuang doses; 2,914,180 para sa AstraZeneca; 442,400 para sa Gamaleya; 1,571,600 para sa Janssen; at 317,600 Sinopharm.